I am a fan, supporter, and stalker of Madame Miriam. 

When I first heard the news, I thought it was fake. 

When I first heard that moment, we are decorating the gymanasium for the coming “World Teachers’ Day”. One of my classmates told me 

Wag mo munang isipin yan. Hindi ka makakaconcentrate.

Sa sandaling yun, inalis ko muna sa isip ko yung narinig kong balita. Baka false alarm lang o nangjojoke lang yung nagsabi. Pero dun pa lang, I know it isn’t. Naiiyak na ako. 

Late akong umuwi ng bahay, ayokong harapin ang problema ko sa school at ang balita tungkol sa kanya. Pero di ko nga ata mapipigilan. Nakaswitch ang tv. Nasa headline ang pagkamatay niya. Nakakabigla, nakaka-iyak, nakakapanghinayang.
Sabi sa news, bukas raw ang libing niya for public. Magandang balita. Upang masilayan muli ng mga tao, sa huling pagkakataon ang nag-iisang “Iron Lady of Asia”. Masakit sa part ko kasi hindi ako tagaManila at isa lamang akong estudyante. Hindi ako mapapayagan ng mga magulang ko. 
Oo, napakaOA ko, hindi naman kami nagsama ni Madame o nagkita. Never in my life na nakita ko siya in person. Pero napakatagal kong pinapangarap yun. Pero it wouldn’t be fulfilled now that she’s not here now. Pero iba yung epekto niya sa akin e. At sa iba pang mga kabataang nagmamahal sa kanya. 

Naaalala ko pa dati nung tumatakbo pa lang siya bilang presidente, 

Nag-aabang ako sa “Presedentiable Debate 2016” para panuorin lang si Madame. At kapag malakas ang impact ng sinabi niya, post ko agad ito sa fb. 

Yung mga lists ng mga award and achievements niya, share agad sa fb.

Yung ipagyayabang mo ang katalinuhan niya sa mga kaklase at kaibigan mo. Makikipag-away ka pa kapag may isusumbat sila. 

Yung naging stalker ka pa niya kakaabang ng news update tungkol sa kanya

Konting mga bagay lang naman, pero ito yung way para mabigyan namin siya ng suporta kahit kami pa ay isa lamang mga kabataan. Through word of mouth, social media. Diyan ako nagcacampaign. 

Elementary pa lang ako, idol ko na si Madame Miriam. Ang napakahusay, napakatapang, napakatalinong senador.

Kaya naman nang narinig ko ang balita, nakakapanghina. Nagpahayag rin ang ibang mga senators ng pakikiramay at ibinida ang kanyang mga ginawa. Pasasalamat at kungg anu ano pa. Pero sana, sinabi nila ito noong buhay pa si Madame Miriam. Nung kaya niya pa itong marinig. 

Isa sa mga quote na gustong gusto ko sa kanya ay

  • I eat death threats for breakfas

You are indeed a fearless, brave, and fierce senator who is willing to die for her country. 

Palagi ko siyang inaabangan sa debate sa senado,  sa mga hugot, mga pick-up lines. 2 months na walang update sa kanya. Huli ko siyang nakita ay nung last interview niya. Napakagandang mga sagot. At ngayon maririnig ko, headline sa news, na ang iniidolo kong Sen. Miriam Defensor-Santiago ay pumanaw na. Aray,sakit sa puso uy!. 😭.

Napakaswerte ko, naabutan  ko ang isang Miriam. Nasaksihan ko ang tapang at galing niya.

Mananatili siya sa puso ng bawat Pilipino lalo na MGA KABATAAN.

SALAMAT MADAME MIRIAM FOR INSPIRING THE YOUTH. 

PAALAM MADAME. YOU WILL NEVER BE FORGOTTEN. Salamat po

“This is goodbye. I shall not importune you any longer. I shall fade into the night like BATMAN”

-SEN MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

Advertisements